PROLOGUE

 



PROLOGUE

Elli


"Elli tawag ka ni boss. Yung mga papers na kailangan niya ihatid mo na daw." Nahinto ako sa pagtype sa desktop ko nang tawagin ako ni Ma'am David.

"Yes Ma'am." Tinigil ko muna ang gagawin ko at nag-retouch ng slight. Kahit siguro hindi ko na gawin ito, baliw pa rin naman sa 'kin si Sir Arkin. Who can resist my charms? No one.

Bawat nadadaanan kong cubicle, napapatingin sa'kin ang mga co-workers ko. Well, I can't blame them though.

Meron din namang mga babaeng kung makatingin ay parang ililibing na ako ng buhay. Sorry girls. Konting ligo pa.

Pagdating ko sa floor ni Sir, sinalubong agad ako ni Tanya. Secretary ni Sir Arkin. Mataray. Dinaig pa ang magpapageant sa kapal ng make-up. Di naman niya kinaganda. Tch.


"May kausap pa si boss, pero pwede ka na daw pumasok." saad niya sabay irap sa'kin. Inggitera. Nginisihan ko lang siya. I don't waste my time to non-relevant aliens. Ugh.


Nag-ayos muna ako ng very light kahit di na need. Tsaka ako pumasok at nabungaran kong nakikipag-usap siya sa bisita niya. Agad naman niya akong napansin at tinawag. Ganda ko talaga. Pumunta ako sa tabi niya not minding the presence of his friend.


"It's nice to see you again, baby. I miss you so much."

"Babe, kasama lang kita kagabi. Huwag kang OA diyan. Tsaka nakakahiya sa friend mo. By the way, ito na pala yung mga pinaayos mong financial statements." sabay abot sa kanya ng mga dala kong papers.

"Ang galing mo talaga baby, pati sa kama," Sabay lipbite ng gago. Di na nahiya. "By the way, I want you to meet my friend, Architect Kiel Geronimo. Dude, this is Elli, my baby."

Natigilan ako ng slight pero 'di ko pinahalata. Dahan-dahan naman akong humarap sa kanya suot ang pinakapeke kong ngiti. Bakas sa mukha niya ang gulat. Ganyan nga, Kiel. Ganyan nga.

Kung dati gwapo na siya, ngayon, trumiple pa. Iba talaga 'pag Geronimo. Parang alak. Habang tumatagal, lalong sumasarap. Mas lalo siyang kumisig. Mas naging hot. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming nagkakandarapa sa kanya.

Maging ang kaibigan ko. Oops. Ex-friend. Ahas...

"Oh hi Mr. Geronimo. It's nice to meet you." sabay lahad ng kamay ko sa kanya.

I laughed mentally at his reaction. Nakatulala pa rin sa mukha ko. I know he didn't expect our sudden reunion. Same as me. Pero nunka na ipahalata sa kanya na affected pa rin ako sa kanya. Binaba ko na ang kamay kong nabitin sa ere. Tumikhim naman si Arkin na nagpabalik sa wisyo niya.

"Natulala ka na ata sa ganda ng baby ko, Kiel. But I don't share what's mine ah." tinignan ko naman siya sa sinabi niya. Ngisi lang ang tinugon niya sa titig ko sa kanya. He knew it. He knew about us. He knew about my pain.

"Mukhang nakakaabala na ata ako sa inyo. Mauuna na ko. It's nice to meet you, Mr. Geronimo." sabay tingin kay Arkin ng makahulugan. Kahit kailan talaga. Ang hilig niya manorpresa. Mamaya ka sakin.


No comments:

Post a Comment