CHAPTER 2
Elli
Naglalakad ako papuntang elevator nang tumawag si Arkin. Agad ko naman itong sinagot.
"Oh napatawag ka? Papunta na ako dyan."
"Dalian mo baby namimiss na kita. I already miss our intimate moments." sabay ungol ng malandi.
"Para kang tanga diyan. Makaasta ka parang wala kang girlfriend ah. Siya muna landiin mo. Echosera to." Tsaka ko pinatay ang tawag. Kala ko naman importante. Umaandar na naman ang kalibugan ng gago. Tch.
Gusto mo rin naman...
Sino ba naman ang aayaw sa 9 inches? Sino ba naman ang aayaw sa mga luhong binibigay ng lalaking 'yon? Wala. He is actually a great catch. Sayang lang at engaged na siya kay Andrea. Pero sa'kin pa rin niya hinahanap ang sarap. Sa'kin lang niya matitikman ang langit. No one can beat me.
Bumukas naman ang pinto ng elevator at parang nang-iinis ang kapalaran. Ang taong lulan lang naman ng elevator ay si Kiel. Ang taong naging dahilan kung sino ako ngayon. Agad naman akong ngumiti at pumasok sa loob. Sa harap niya ako pumwesto.
"Hi Mr. Geronimo. Pupuntahan mo ba si Arkin?"
"A-ahm y-yes." Nauutal ang gago. Affected ka sa'kin kuya?
"Oh nice. Parehas lang pala tayo ng pupuntahan." Hindi na siya sumagot. Ayoko rin naman siyang kausap.
Ang sikip ng elevator na ito para sa aming dalawa. Para ngumipis bigla ang hangin sa loob. But, nakaisip ako ng naughty move. Tignan lang natin kung hindi ka mailang.
Sinadya kong ihulog ang ballpen ko. "Oopss sorry." at pinulot ito in my signature balakang move. Dahan-dahan akong yumuko at dahil nasa likod ko siya, sumagi ang matambok kong pwet sa harapan niya. Narinig ko pa siyang suminghap at nagmura ng pabulong.
Ganyan 'nga, Kiel...
Humarap ako sa kanya sabay ngiti. Napangisi nalang ako ng palihim dahil pinagpawisan ang noo niya. Sabi ko naman sa inyo guys. No one can't resist my charms. Even him.
Bigla naman nag-ring ang phone niya at dali-dali naman niya itong sinagot.
"Hey, baby. Yeah. Andito ako sa company ni Arkin...Yeah...What? No wala akong babae okay? Ikaw lang? I'm just here for work. Yeah... I love you baby. Mamaya nalang. Bye." sabay baba ng tawag.
Ouch... Aray... Arouch...
Akala ko okay na'ko. Akala ko lang pala...
Pinilit kong hindi magmukhang apektado kahit sa loob-loob ko, para na akong sinaksak ng milyong karayom. Buti nalang naaral ko kung paano magmukhang okay kahit hindi naman. That's my expertise. To hide my pain behind my fierce and seductive face.
Buti naman ang bumukas na ang elevator. Hindi ko ata kakayanin pang tumagal sa loob kasama siya.
Kumatok ako sa pinto ng office ni Arkin at bumungad sa akin ang kanyang seryosong mukha habang nagbabasa ng mga papers. Lalo siyang nagiging gwapo sa paningin ko. Kahit naman maloko siya, alam niya ang priorities at obligations niya. That's what I love about him.
Tumikhim naman ako para maagaw ang atensyon niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin at pati na rin kay Kiel. Napangisi naman ang gago. Kung ano-ano na naman tumatakbo sa isip niya.
"Oh hi baby. Buti naman nandito ka na. Kanina pa ako naghihintay sa'yo eh. Oh andito ka na rin pala dude. Sabay pa kayo ah. Have a seat." inanyayahan naman niya kaming umupo sa harap ng table niya. We're facing each other. Not minding his presence, binigay ko na ang pinarevise niyang papers sa'kin.
"Eto na pinarevise mo. And regarding naman sa financial condition ng kumpanya, tumaas ng 30.4% ang income ng company from the previous year. Marami ring potential investors ang may interest na mag-invest sa company natin."
"Impressive. 'Di ako nagkamaling kunin ka sa kumpanya ko, baby." sabay kindat sa'kin. Nag-lipbite naman ako to tease him more.
"If you don't have anything to say, aalis na ako," aalis na sana ako ng hawakan ni Arkin ang kamay ko. "What? You need anything?"
"You. I need you to check on this matter. Regarding sa expansion ng company natin. I need your insights." Nagtataka naman akong tumingin sa kanya pero sinuklian niya lang ako ng makahulugang tingin. You're already playing the game huh?
"Oh yes sure. I can see what I can do."
"Dude, eto na yung mga designs na ginawa namin for your expansion. Nandyan na rin ang mga sample blueprint from our past projects."
Sinuri namin ang mga pinakitang designs ni Kiel. Impressive. No doubt. He is very famous in his field. Dagdag pogi points sa kanya ang profession niya. Perfect na sana eh.
'Yun nga lang, 'di marunong makuntento. Naghanap ng iba...
Kita naman kay Arkin na ang pagkamangha. He is fascinated sa mga architetural designs kaya ganyan nalang 'yan maexcite. Unfortunately, kailangan niyang mag-take ng course na kakailanganin niya in handling their family business.
"These are majestic, dude. I don't know what to say. I didn't regret choosing you for this project. How about you, baby?" Nagulat naman ako sa pagtawag niya. Agad naman akong tumikhim at tumingin kay Kiel. Nahuli ko siyang nakatitig sa'kin.
Konti nalang maglaway ka ah...
"Ahmm these are nice naman. I think they are perfect para sa project na 'to. However, I have worries. Paano mo pagsasabayin ang mga trabaho mo dito at sa pagmonitor sa construction? I mean, I'm just concern about you. This is a very big project kaya kailangan niya ng intensive monitoring."
"About that, kaya kita pinagstay is may hihingin akong favor sa iyo. I want you to be my proxy. My substitute. I already talked about it with Architect Geronimo, I need you to monitor the overall planning for this expansion. May pinapaayos din kasi si dad overseas kaya I need to go for business trips. Please?"
Nagpacute pa ang gago kala mo naman bagay niya. Ugh! Why me? Siguro sinadya niya ito para magawa ko na ang plano. But I didn't this to be early.
Agad naman akong tumingin kay Kiel at ngumiti sa kanya. Be ready, Kiel.
"Okay. There's no problem with that. Mukha namang magaan kausap si Architect. Mag-eenjoy naman ako for sure. Right, Mr. Geronimo?"
Nakatitig pa rin siya sa akin sabay tango ng marahan.
"Y-yes. I will make sure you will be comfortable working with me." Ngumiti naman siya sa akin.
So I guess, it's already time. Time for my game.
Kayanin mo kaya?...
No comments:
Post a Comment